Ang Undas
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang pangalang Undas. Basta ang alam ko, isa tong dahilan ng traffic, isang dahilan kung bakit nagmamahal ang mga bulaklak ng patay, kung bakit nagmamahal ang mga kandila, kung bakit nagkakaroon bigla ng hagdan sa mga bakuran ng sementeryo.
Isang tradisyon sa Pilipinas ang pagdalaw sa sementeryo tuwing November 1. Ang araw na ito nagkakaron ng kasama ang mga puntod na isang taong walang bisita. Hindi naman lahat. May ilan namang mga loyal sa mga patay nila. Tipong buwan buwan, dumadalaw sila sa puntod ng minamahal sa buhay. How sweet!
Iba-iba ang tradisyon sa bawat bansa. Sa mga intsik, mas kakaiba ang pagdalaw. May mga siopao, siomai, at kung ano mang pagkaing intsik ang ilalagay sa tapat ng lapida. O di kaya, may ititirik na mga red sticks, nakalimutan ko na yung tawag dun. Ang tawag nila dito, “Alay”. Hindi yan Chinese word. Yan yung “alay” na naririnig mo sa mga pelikula na may kultong kasama.
Bakit nga kaya ganito kung tratuhin ang mga patay? Ganoon din kaya nila tinrato yung tao na yun nung nabubuhay pa? Dinadalaw rin kaya nila yung tao na yun nung matagal nang nag-iisa? Siyempre, hindi nila tinitirikan ng kandila yun diba. Pero, ganoon kayang pag-aalaga yung ginawa nila sa tao na yun nung buhay pa? Paalala, iba nga rin pala yung “buhay sya” at “buhay pa.” Isip-isip.
Ang mga Pilipino talaga, mahilig sa ganyan. Kung kailan lang sinabing kumilos, dun lang kikilos. November 1 lang ba bukas ang sementeryo? Hindi naman. Hindi ko naman din alam kung pwede bang mag-overnight sa sementeryo kapag hindi November 1. Pero isa lang ang sigurado ko, hindi ka mag-o-overnight don kasi alam mong yung kabilang puntod, walang tao. Malakas lang naman loob ng mga tao na mag-overnight sa sementeryo pag November 1 kasi marami sila. Marami silang kalaro sa tong-its, mga ganon.
Kung kelan November 1, tsaka bibili ng kandila, ng bulaklak, ng pagkain pang-”alay.” Hindi na lang maagang kumilos. Tapos magagalit kapag maraming tao? Parang sa pag-register sa eleksyon. Napakadaming araw para mag-register, hindi naman nagpa-register. Kapag mahaba na yung pila, wala kang maririnig kundi, “Shet ang inet!”
Kung sino man ang nagpauso ng Undas na tradisyon sa Pilipinas, malamang, may-ari siya ng flower shop, candle shop, at kung ano pang shop!
Recent Comments